Kung lalake ka, dalawa lang ang gusto mo sa buhay: kumain, saka maging habulin ng chicks. Kaya ka nag aaral, o nagt trabaho. Kaya mo iniimprove ang sarili mo. Hindi naman para sayo yan kundi para mapakita sa girls na karapat dapat kang maging tatay ng mga anak nila. Kung tutuusin, ang kagustuhang maging kaakit akit sa chicks ang nagpapa abante sa sibilisasyon. Ok lang naman sa lalake na maging bum at manirahan sa kweba at kumain ng daga habambuhay kung hindi lang magiging nakakadiri at nakakairita sa mga kababaihan.
Dahil sa kagustuhang magpasikat, ginusto ng lalake na iupgrade ang kweba sa magarang mansyon, ang kinakain na daga sa superb na mga putahe na pang-cooking show, tigilan ang hunting and gathering at magtayo ng mga space ship papunta sa buwan. Bakit kailangang gumawa ng mga bagay na mahihirap at basag ulong gawain? Bakit kailangan pang magpa abs? Bakit pa kailangan umakyat sa tuktok ng Everest? Bakit kailangan magchampion sa World Cup? Bakit kailangan mag imbento ng mga computer? Bakit kailangan matuto ng Dougie? Dahil sa girls. Kasi gusto magpasikat at maging habulin ng mga boys. Naging progresibo ang sangkatauhan lahat sa ngalan ng desire. Nagka football stars, rockstars, artistars at Ramon Bautistars.
Pero tignan mo sarili mo, caveman ka pa rin. At nalalapit na ang end of the world. Evolution takes millions of years but you have no time to lose. Para solb ka na, kumain ka na tapos mag spray ng Axe 2012 at maging habulin ng girls #beforetheworldends
